Bisitahin ang Rome Italy Temple Square

Halika at tingnan ang magagandang hardin at sining, at damhin ang kapayapaang hatid ng bakuran ng Templo. Mamangha sa mga natatanging sining sa Visitors' Center at kausapin ang aming magigiliw na volunteer. Malugod na inaanyayahan ang mga pamilya at indibiduwal sa lahat ng edad.

Visitors' Center

Halika at Tingnan

Ang Rome Italy Visitors' Center ay bukas sa publiko at isang magandang lugar para matuto pa tungkol kay Jesucristo at madama ang Kanyang pagmamahal. Ang mga interactive na pagpapakita, magagandang sining, at kapana-panabik na mga kaganapan sa buong taon ay ilan lamang sa maraming tampok ng sentro ng mga bisita. Mangyaring anyayahan ang iyong mga kaibigan at pamilya na dumalo kasama mo. Libre ang pagpasok at paradahan.

Mga Kaganapan sa Rome Temple

17,002,461+

Miyembro ng Simbahan sa Buong Mundo

27,993+

Mga Miyembro sa Italy

94+

Mga kongregasyon sa Italya

1

Templo sa Italya
Visitors' Center

Halika at Bisitahin ang Rome Temple Visitors' Center

Inaanyayahan ka naming bumisita kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan at magkaroon ng karanasanang nakasentro kay Cristo na nagbibigay-kaalaman, nagbibigay-inspirasyon, kawili-wili, at masaya! Tumuklas at matuto mula sa mga interactive na aktibidad.

FamilySearch Library

Ang Family History Library

Ang Family History Library ay isang pasilidad kung saan ang lahat ay maaaring matuto nang higit pa tungkol sa kasaysayan ng kanilang pamilya at makadama ng kagalakan habang tinutuklas, tinitipon, at kinokonekta nila ang kanilang pamilya - sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.

May mga dalubhasang research specialist na palaging nariyan para magbigay ng libreng personal na tulong habang sinasaliksik mo ang iyong mga ninuno at binubuo ang iyong family tree.

Rome Italy Temple

Ang Rome Temple ay ang unang templo na itinayo sa Italy. Ang pagtatayo nito ay inanunsyo noong 2008. Ang bakuran ng templo ay naglalaman ng isang magandang hardin ng puno ng olibo at mga reflection pool.

Ang mga bisita mula sa buong mundo ay nagpupunta sa sagradong lugar na ito dahil sa kanyang angking kagandahan at kahalagahan sa relihiyon. Ang mga miyembro ng Simbahan ay nagsasagawa ng mga sagradong seremonyang panrelihiyon sa loob ng templo para mas mapalapit sila sa Diyos, habang ang mga turista ay nasisiyahan sa pagbisita sa baukran ng templo at sa Visitor's Center. Ang Rome Temple ay may maihahandog para sa lahat.

Tagalog